1 Mga Taga-Tesalonica 1

At sila na rin ang nagsasabi tungkol sa paghihintay nʼyo sa pagbabalik ng Anak ng Diyos mula sa langit, na walang iba kundi si Hesus na muli niyang binuhay. Siya ang magliligtas sa atin sa darating na kaparusahan.

1 Thessalonians 1:10 (UKJV) And to wait for his Son from heaven, whom he raised from the dead, even Jesus, which delivered us from the wrath to come.

8Sapagkat mula sa inyo, lumaganap ang salita ng Panginoon hindi lamang sa Macedonia at Acaya kundi sa iba pang dako. Sa katunayan, kahit saang dako kami magpunta, ibinabalita na ng mga tao ang tungkol sa inyong pananampalataya sa Diyos kaya hindi na namin kailangan pang magsalita tungkol dito.

9Sapagkat sila mismo ang nagbabalita kung paano naging makabuluhan ang pagbisita namin sa inyo, at kung paanong tinalikuran ninyo ang inyong diyos-diyosan upang paglingkuran ang buháy at tunay na Diyos.

10At sila na rin ang nagsasabi tungkol sa paghihintay nʼyo sa pagbabalik ng Anak ng Diyos mula sa langit, na walang iba kundi si Hesus na muli niyang binuhay. Siya ang magliligtas sa atin sa darating na kaparusahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.