1 Mga Taga-Tesalonica 1

Sapagkat sila mismo ang nagbabalita kung paano naging makabuluhan ang pagbisita namin sa inyo, at kung paanong tinalikuran ninyo ang inyong diyos-diyosan upang paglingkuran ang buháy at tunay na Diyos.

1 Thessalonians 1:9 (UKJV) For they themselves show of us what manner of entering in we had unto you, and how all of you turned to God from idols to serve the living and true God;

7Dahil dito, nagsisilbi kayong halimbawa sa mga mananampalataya sa Gresya, mula Macedonia hanggang sa Acaya.

8Sapagkat mula sa inyo, lumaganap ang salita ng Panginoon hindi lamang sa Macedonia at Acaya kundi sa iba pang dako. Sa katunayan, kahit saang dako kami magpunta, ibinabalita na ng mga tao ang tungkol sa inyong pananampalataya sa Diyos kaya hindi na namin kailangan pang magsalita tungkol dito.

9Sapagkat sila mismo ang nagbabalita kung paano naging makabuluhan ang pagbisita namin sa inyo, at kung paanong tinalikuran ninyo ang inyong diyos-diyosan upang paglingkuran ang buháy at tunay na Diyos.

10At sila na rin ang nagsasabi tungkol sa paghihintay nʼyo sa pagbabalik ng Anak ng Diyos mula sa langit, na walang iba kundi si Hesus na muli niyang binuhay. Siya ang magliligtas sa atin sa darating na kaparusahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.