1 Mga Taga-Tesalonica 2

Kahit minsan ay hindi namin kayo ginamitan ng mabulaklak na pananalita. Ang Diyos ang aming saksi na hindi kami nagpanggap na kaibigan ninyo upang makuha ang inyong pera.

1 Thessalonians 2:5 (UKJV) For neither at any time used we flattering words, as all of you know, nor a coat of covetousness; God is witness:

3Sapagkat ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian o sa hangaring mandaya o manloko.

4Bagkus, sinubok kami ng Diyos at napatunayan kaming mapagkakatiwalaan. Hinirang niya kami upang ipahayag ang Magandang Balita at sa dahilan lamang na ito kamiʼy nangangaral. Ginagawa namin ito hindi upang bigyang-lugod ang tao, kundi ang Diyos na patuloy na sumisiyasat sa aming mga puso.

5Kahit minsan ay hindi namin kayo ginamitan ng mabulaklak na pananalita. Ang Diyos ang aming saksi na hindi kami nagpanggap na kaibigan ninyo upang makuha ang inyong pera.

6Hindi namin hinangad ang papuri ng tao, mula man sa inyo o sa iba,

7kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.