1 Mga Taga-Tesalonica 2

kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya.

1 Thessalonians 2:7 (UKJV) But we were gentle among you, even as a nurse cherishes her children:

5Kahit minsan ay hindi namin kayo ginamitan ng mabulaklak na pananalita. Ang Diyos ang aming saksi na hindi kami nagpanggap na kaibigan ninyo upang makuha ang inyong pera.

6Hindi namin hinangad ang papuri ng tao, mula man sa inyo o sa iba,

7kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya.

8At dahil sa laki ng pagmamalasakit namin sa inyo, natutuwa kaming ibahagi sa inyo hindi lamang ang Magandang Balita ng Diyos kundi pati na rin ang aming buhay, sapagkat napamahal na kayo sa amin.

9Tiyak na natatandaan nʼyo pa mga kapatid, kung gaano kami naghirap at nagpagal habang ipinapangaral namin ang Magandang Balita ng Diyos. Araw-gabi kaming nagtatrabaho para sa aming ikabubuhay upang hindi kami maging pabigat sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.