1 Mga Taga-Tesalonica 2

At dahil sa laki ng pagmamalasakit namin sa inyo, natutuwa kaming ibahagi sa inyo hindi lamang ang Magandang Balita ng Diyos kundi pati na rin ang aming buhay, sapagkat napamahal na kayo sa amin.

1 Thessalonians 2:8 (UKJV) So being affectionately desirous of you, we were willing to have imparted unto you, not the gospel of God only, but also our own souls, because all of you were dear unto us.

6Hindi namin hinangad ang papuri ng tao, mula man sa inyo o sa iba,

7kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya.

8At dahil sa laki ng pagmamalasakit namin sa inyo, natutuwa kaming ibahagi sa inyo hindi lamang ang Magandang Balita ng Diyos kundi pati na rin ang aming buhay, sapagkat napamahal na kayo sa amin.

9Tiyak na natatandaan nʼyo pa mga kapatid, kung gaano kami naghirap at nagpagal habang ipinapangaral namin ang Magandang Balita ng Diyos. Araw-gabi kaming nagtatrabaho para sa aming ikabubuhay upang hindi kami maging pabigat sa inyo.

10Saksi namin kayo at ang Diyos na dalisay, matuwid at walang kapintasan ang pakikitungo namin sa inyong mga sumasampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.