1 Mga Taga-Tesalonica 2

Saksi namin kayo at ang Diyos na dalisay, matuwid at walang kapintasan ang pakikitungo namin sa inyong mga sumasampalataya.

1 Thessalonians 2:10 (UKJV) All of you are witnesses, and God also, how holily and justly and unblameably we behaved ourselves among you that believe:

8At dahil sa laki ng pagmamalasakit namin sa inyo, natutuwa kaming ibahagi sa inyo hindi lamang ang Magandang Balita ng Diyos kundi pati na rin ang aming buhay, sapagkat napamahal na kayo sa amin.

9Tiyak na natatandaan nʼyo pa mga kapatid, kung gaano kami naghirap at nagpagal habang ipinapangaral namin ang Magandang Balita ng Diyos. Araw-gabi kaming nagtatrabaho para sa aming ikabubuhay upang hindi kami maging pabigat sa inyo.

10Saksi namin kayo at ang Diyos na dalisay, matuwid at walang kapintasan ang pakikitungo namin sa inyong mga sumasampalataya.

11Alam ninyong katulad ng isang ama sa kanyang mga anak ang turing namin sa bawat isa sa inyo.

12Pinagsabihan namin kayo, pinalakas ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang kalugod-lugod sa Diyos na humirang sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.