10Saksi namin kayo at ang Diyos na dalisay, matuwid at walang kapintasan ang pakikitungo namin sa inyong mga sumasampalataya.
11Alam ninyong katulad ng isang ama sa kanyang mga anak ang turing namin sa bawat isa sa inyo.
12Pinagsabihan namin kayo, pinalakas ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang kalugod-lugod sa Diyos na humirang sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.
13Patuloy kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil nang tanggapin ninyo ang kanyang Salitang ipinangaral namin sa inyo, tinanggap ninyo ito hindi bilang salita ng tao kundi kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos na kumikilos sa mga buhay ninyong mga mananampalataya.
14Mga kapatid, pinag-uusig kayo dahil sa inyong pananampalataya tulad din ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nananalig kay Kristo Hesus. Nagdusa kayo sa kamay ng mga kababayan nʼyo gaya ng pagdurusa nila sa kamay ng kapwa nila Hudyo.