1 Mga Taga-Tesalonica 2

Mga kapatid, pinag-uusig kayo dahil sa inyong pananampalataya tulad din ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nananalig kay Kristo Hesus. Nagdusa kayo sa kamay ng mga kababayan nʼyo gaya ng pagdurusa nila sa kamay ng kapwa nila Hudyo.

1 Thessalonians 2:14 (UKJV) For all of you, brethren, became followers of the churches of God which in Judaea are in Christ Jesus: for all of you also have suffered like things of your own countrymen, even as they have of the Jews:

12Pinagsabihan namin kayo, pinalakas ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang kalugod-lugod sa Diyos na humirang sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.

13Patuloy kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil nang tanggapin ninyo ang kanyang Salitang ipinangaral namin sa inyo, tinanggap ninyo ito hindi bilang salita ng tao kundi kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos na kumikilos sa mga buhay ninyong mga mananampalataya.

14Mga kapatid, pinag-uusig kayo dahil sa inyong pananampalataya tulad din ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nananalig kay Kristo Hesus. Nagdusa kayo sa kamay ng mga kababayan nʼyo gaya ng pagdurusa nila sa kamay ng kapwa nila Hudyo.

15Silang mga Hudyo ang pumatay sa Panginoong Hesus at sa mga propeta noon. Sila rin ang mga taong umuusig sa amin. Hindi nalulugod ang Diyos sa ginagawa nila, at maging ang lahat ng taoʼy kinakalaban nila,

16dahil sinisikap nilang hadlangan ang pangangaral namin sa mga Hentil na siyang ikaliligtas ng mga ito. Sa ganitong paraan, patuloy nilang dinaragdagan ang kanilang mga kasalanan hanggang sa kasukdulan, kaya ngayoʼy bumagsak na ang poot ng Diyos sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.