14Mga kapatid, pinag-uusig kayo dahil sa inyong pananampalataya tulad din ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nananalig kay Kristo Hesus. Nagdusa kayo sa kamay ng mga kababayan nʼyo gaya ng pagdurusa nila sa kamay ng kapwa nila Hudyo.
15Silang mga Hudyo ang pumatay sa Panginoong Hesus at sa mga propeta noon. Sila rin ang mga taong umuusig sa amin. Hindi nalulugod ang Diyos sa ginagawa nila, at maging ang lahat ng taoʼy kinakalaban nila,
16dahil sinisikap nilang hadlangan ang pangangaral namin sa mga Hentil na siyang ikaliligtas ng mga ito. Sa ganitong paraan, patuloy nilang dinaragdagan ang kanilang mga kasalanan hanggang sa kasukdulan, kaya ngayoʼy bumagsak na ang poot ng Diyos sa kanila.
17Mga kapatid, para kaming naulila noong mawalay kami sa inyo nang maikling panahon (sa katawan, hindi sa isipan). Dahil labis ang pangungulila namin na makita kayong muli, ginawa namin ang lahat ng posibleng paraan upang makabalik diyan.
18Gusto naming bumalik diyan sa inyo. Ako, si Pablo, ay ilang beses nang sumubok na dalawin kayo ngunit hinadlangan kami ni Satanas.