1 Mga Taga-Tesalonica 2

Silang mga Hudyo ang pumatay sa Panginoong Hesus at sa mga propeta noon. Sila rin ang mga taong umuusig sa amin. Hindi nalulugod ang Diyos sa ginagawa nila, at maging ang lahat ng taoʼy kinakalaban nila,

1 Thessalonians 2:15 (UKJV) Who both killed the Lord Jesus, and their own prophets, and have persecuted us; and they please not God, and are contrary to all men:

13Patuloy kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil nang tanggapin ninyo ang kanyang Salitang ipinangaral namin sa inyo, tinanggap ninyo ito hindi bilang salita ng tao kundi kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos na kumikilos sa mga buhay ninyong mga mananampalataya.

14Mga kapatid, pinag-uusig kayo dahil sa inyong pananampalataya tulad din ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nananalig kay Kristo Hesus. Nagdusa kayo sa kamay ng mga kababayan nʼyo gaya ng pagdurusa nila sa kamay ng kapwa nila Hudyo.

15Silang mga Hudyo ang pumatay sa Panginoong Hesus at sa mga propeta noon. Sila rin ang mga taong umuusig sa amin. Hindi nalulugod ang Diyos sa ginagawa nila, at maging ang lahat ng taoʼy kinakalaban nila,

16dahil sinisikap nilang hadlangan ang pangangaral namin sa mga Hentil na siyang ikaliligtas ng mga ito. Sa ganitong paraan, patuloy nilang dinaragdagan ang kanilang mga kasalanan hanggang sa kasukdulan, kaya ngayoʼy bumagsak na ang poot ng Diyos sa kanila.

17Mga kapatid, para kaming naulila noong mawalay kami sa inyo nang maikling panahon (sa katawan, hindi sa isipan). Dahil labis ang pangungulila namin na makita kayong muli, ginawa namin ang lahat ng posibleng paraan upang makabalik diyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.