1 Mga Taga-Tesalonica 3

Ipinadala namin sa inyo si Timoteo na kapatid natin at kasama naming naglilingkod sa Diyos sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo. Pinapunta namin siya para patibayin at palakasin ang pananampalataya ninyo,

1 Thessalonians 3:2 (UKJV) And sent Timotheus, our brother, and minister of God, and our fellow labourer in the gospel of Christ, to establish you, and to comfort you concerning your faith:

1Kaya, nang hindi na namin iyon matagalan, nagpasya kaming magpaiwan sa Atenas.

2Ipinadala namin sa inyo si Timoteo na kapatid natin at kasama naming naglilingkod sa Diyos sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Kristo. Pinapunta namin siya para patibayin at palakasin ang pananampalataya ninyo,

3upang hindi kayo panghinaan ng loob dahil sa mga nararanasan ninyong pag-uusig. Sapagkat alam ninyong pagdadaanan natin ang mga ito.

4Noong nariyan pa kami sa inyo, palagi namin kayong pinapaalalahanan na makakaranas tayo ng mga pag-uusig. At gaya ng alam nʼyo, ito na nga ang nangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.