1 Mga Taga-Tesalonica 3

Kaya nang hindi na ako makatiis, pinapunta ko diyan si Timoteo upang makibalita tungkol sa kalagayan ng pananampalataya nʼyo sa Panginoon, dahil nag-aalala akong baka nanaig na sa inyo si Satanas at nasayang lang ang pagod namin sa pangangaral sa inyo.

1 Thessalonians 3:5 (UKJV) For this cause, when I could no longer forbear, I sent to know your faith, lest by some means the tempter have tempted you, and our labour be in vain.

3upang hindi kayo panghinaan ng loob dahil sa mga nararanasan ninyong pag-uusig. Sapagkat alam ninyong pagdadaanan natin ang mga ito.

4Noong nariyan pa kami sa inyo, palagi namin kayong pinapaalalahanan na makakaranas tayo ng mga pag-uusig. At gaya ng alam nʼyo, ito na nga ang nangyari.

5Kaya nang hindi na ako makatiis, pinapunta ko diyan si Timoteo upang makibalita tungkol sa kalagayan ng pananampalataya nʼyo sa Panginoon, dahil nag-aalala akong baka nanaig na sa inyo si Satanas at nasayang lang ang pagod namin sa pangangaral sa inyo.

6Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo at dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig ninyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo.

7Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.