1 Mga Taga-Tesalonica 3

Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo at dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig ninyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo.

1 Thessalonians 3:6 (UKJV) But now when Timotheus came from you unto us, and brought us good tidings of your faith and love, and that all of you have good remembrance of us always, desiring greatly to see us, as we also to see you:

4Noong nariyan pa kami sa inyo, palagi namin kayong pinapaalalahanan na makakaranas tayo ng mga pag-uusig. At gaya ng alam nʼyo, ito na nga ang nangyari.

5Kaya nang hindi na ako makatiis, pinapunta ko diyan si Timoteo upang makibalita tungkol sa kalagayan ng pananampalataya nʼyo sa Panginoon, dahil nag-aalala akong baka nanaig na sa inyo si Satanas at nasayang lang ang pagod namin sa pangangaral sa inyo.

6Ngayon, nakabalik na sa amin si Timoteo at dala niya ang magandang balita tungkol sa pananampalataya at pag-ibig ninyo, ang magagandang alaala ninyo tungkol sa amin, at ang pananabik ninyong makita kami gaya ng pananabik namin sa inyo.

7Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin.

8Nabubuhayan kami ng loob dahil alam naming matatag ang inyong pananampalataya sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.