1 Mga Taga-Tesalonica 4

At ito nga ang ginagawa nʼyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Ganoon pa man, hinihiling namin na lalo pa ninyong pag-ibayuhin ang pag-ibig ninyo.

1 Thessalonians 4:10 (UKJV) And indeed all of you do it toward all the brethren which are in all Macedonia: but we plead to you, brethren, that all of you increase more and more;

8Kaya, ang sinumang hindi sumusunod sa mga utos na ito ay hindi sa isang tao sumusuway kundi sa Diyos na nagbibigay sa inyo ng kanyang Banal na Espiritu.

9Ngayon, tungkol sa pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon, hindi na kayo kailangang paalalahanan pa tungkol dito, dahil ang Diyos na mismo ang nagturo sa inyo na magmahalan.

10At ito nga ang ginagawa nʼyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Ganoon pa man, hinihiling namin na lalo pa ninyong pag-ibayuhin ang pag-ibig ninyo.

11Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makikialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo.

12Nang sa ganoon, hindi nʼyo na kailangang umasa pa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.