1 Mga Taga-Tesalonica 5

Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon upang mamuno at mangaral sa inyo.

1 Thessalonians 5:12 (UKJV) And we plead to you, brethren, to know them which labour among you, and are over you in the Lord, and admonish you;

10Namatay siya para sa atin, upang kahit tayoʼy tulog man o gising man sa pagbalik niya ay mabuhay tayo sa piling niya.

11Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.

12Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon upang mamuno at mangaral sa inyo.

13Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayong may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa.

14Nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.