1 Mga Taga-Tesalonica 5

Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat upang malaman kung galing ito sa Diyos o hindi. Panghawakan ninyo ang mabuti,

1 Thessalonians 5:21 (UKJV) Prove all things; hold fast that which is good.

19Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu,

20at huwag ninyong hamakin ang mga propesiya.

21Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat upang malaman kung galing ito sa Diyos o hindi. Panghawakan ninyo ang mabuti,

22at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.

23Pakabanalin nawa kayong lubos ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao; ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.