5Ang layunin ng utos kong ito ay upang magkaroon sila ng pagmamahal, at magagawa lang nila ito kung malinis ang kanilang puso at konsensiya, at kung taos-puso ang kanilang pananampalataya.
6May ilang tumalikod na sa mga bagay na ito, at bumaling sa walang kuwentang usapin.
7Gusto nilang maging tagapagturo ng Kautusan, ngunit hindi naman nila nauunawaan ang mga sinasabi nila, o ang mga bagay na buong tiwala nilang pinaninindigan.
8Alam nating mabuti ang Kautusan kung ginagamit ito sa wastong paraan.
9Sapagkat hindi ibinigay ang Kautusan para sa mga matuwid, kundi para sa mga lumalabag sa Kautusan at mapaghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos at makasalanan, sa mga hindi namumuhay sa kabanalan at sa mga lapastangan, sa mga pumapatay sa sariling magulang, at sa mga mamamatay-tao,