1 Timoteo 1

Sapagkat hindi ibinigay ang Kautusan para sa mga matuwid, kundi para sa mga lumalabag sa Kautusan at mapaghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos at makasalanan, sa mga hindi namumuhay sa kabanalan at sa mga lapastangan, sa mga pumapatay sa sariling magulang, at sa mga mamamatay-tao,

1 Timothy 1:9 (UKJV) Knowing this, that the law is not made for a righteous man, but for the lawless and disobedient, for the ungodly and for sinners, for unholy and profane, for murderers of fathers and murderers of mothers, for manslayers,

7Gusto nilang maging tagapagturo ng Kautusan, ngunit hindi naman nila nauunawaan ang mga sinasabi nila, o ang mga bagay na buong tiwala nilang pinaninindigan.

8Alam nating mabuti ang Kautusan kung ginagamit ito sa wastong paraan.

9Sapagkat hindi ibinigay ang Kautusan para sa mga matuwid, kundi para sa mga lumalabag sa Kautusan at mapaghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos at makasalanan, sa mga hindi namumuhay sa kabanalan at sa mga lapastangan, sa mga pumapatay sa sariling magulang, at sa mga mamamatay-tao,

10para sa mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad, sa mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, sa mga kidnaper, sa mga sinungaling at sa mga sumasaksi nang hindi totoo, at sa sinumang sumasalungat sa tamang aral

11na naaayon sa Magandang Balita ng dakila at mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.