1 Timoteo 1

na naaayon sa Magandang Balita ng dakila at mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.

1 Timothy 1:11 (UKJV) According to the glorious gospel of the blessed God, which was committed to my trust.

9Sapagkat hindi ibinigay ang Kautusan para sa mga matuwid, kundi para sa mga lumalabag sa Kautusan at mapaghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos at makasalanan, sa mga hindi namumuhay sa kabanalan at sa mga lapastangan, sa mga pumapatay sa sariling magulang, at sa mga mamamatay-tao,

10para sa mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad, sa mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, sa mga kidnaper, sa mga sinungaling at sa mga sumasaksi nang hindi totoo, at sa sinumang sumasalungat sa tamang aral

11na naaayon sa Magandang Balita ng dakila at mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.

12Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas na maglingkod sa kanya, dahil itinuring niya akong mapagkakatiwalaan. Kaya nga pinili niya akong maglingkod sa kanya,

13kahit na nilapastangan ko siya noong una. Bukod pa riyan, inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya. Ngunit kinaawaan ako ng Diyos, dahil ginawa ko ito noong hindi pa ako sumasampalataya sa kanya at hindi ko alam ang ginagawa ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.