1 Timoteo 1

para sa mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad, sa mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, sa mga kidnaper, sa mga sinungaling at sa mga sumasaksi nang hindi totoo, at sa sinumang sumasalungat sa tamang aral

1 Timothy 1:10 (UKJV) For whoremongers, for them that defile themselves with mankind, for men-stealers , for liars, for promise breakers, and if there be any other thing that is contrary to sound doctrine;

8Alam nating mabuti ang Kautusan kung ginagamit ito sa wastong paraan.

9Sapagkat hindi ibinigay ang Kautusan para sa mga matuwid, kundi para sa mga lumalabag sa Kautusan at mapaghimagsik, sa mga hindi kumikilala sa Diyos at makasalanan, sa mga hindi namumuhay sa kabanalan at sa mga lapastangan, sa mga pumapatay sa sariling magulang, at sa mga mamamatay-tao,

10para sa mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad, sa mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, sa mga kidnaper, sa mga sinungaling at sa mga sumasaksi nang hindi totoo, at sa sinumang sumasalungat sa tamang aral

11na naaayon sa Magandang Balita ng dakila at mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.

12Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas na maglingkod sa kanya, dahil itinuring niya akong mapagkakatiwalaan. Kaya nga pinili niya akong maglingkod sa kanya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.