11na naaayon sa Magandang Balita ng dakila at mapagpalang Diyos na ipinagkatiwala sa akin.
12Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon na nagbigay sa akin ng lakas na maglingkod sa kanya, dahil itinuring niya akong mapagkakatiwalaan. Kaya nga pinili niya akong maglingkod sa kanya,
13kahit na nilapastangan ko siya noong una. Bukod pa riyan, inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya. Ngunit kinaawaan ako ng Diyos, dahil ginawa ko ito noong hindi pa ako sumasampalataya sa kanya at hindi ko alam ang ginagawa ko.
14Umaapaw ang biyayang ipinagkaloob ng ating Panginoon sa akin. Binigyan niya ako ng kakayahang sumampalataya sa kanya at umibig sa aking kapwa. Ang kakayahang ito ay napasaatin na nakipagkaisa kay Kristo Hesus.
15Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at karapat-dapat tanggapin ng lahat: Naparito si Kristo Hesus sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamakasalanan sa lahat.