1 Timoteo 1

Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at karapat-dapat tanggapin ng lahat: Naparito si Kristo Hesus sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamakasalanan sa lahat.

1 Timothy 1:15 (UKJV) This is a faithful saying, and worthy of all acceptation, that Christ Jesus came into the world to save sinners; of whom I am chief.

13kahit na nilapastangan ko siya noong una. Bukod pa riyan, inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya. Ngunit kinaawaan ako ng Diyos, dahil ginawa ko ito noong hindi pa ako sumasampalataya sa kanya at hindi ko alam ang ginagawa ko.

14Umaapaw ang biyayang ipinagkaloob ng ating Panginoon sa akin. Binigyan niya ako ng kakayahang sumampalataya sa kanya at umibig sa aking kapwa. Ang kakayahang ito ay napasaatin na nakipagkaisa kay Kristo Hesus.

15Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at karapat-dapat tanggapin ng lahat: Naparito si Kristo Hesus sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan, at ako ang pinakamakasalanan sa lahat.

16Ngunit kinaawaan ako ng Diyos upang maipakita ni Kristo Hesus sa pamamagitan ko ang kanyang lubos na pagtitiyaga sa mga makasalanan. Magsisilbing halimbawa ang ginawa ni Kristo sa akin para sa ibang sasampalataya sa kanya na pagkakalooban niya ng buhay na walang hanggan.

17Sa nag-iisang Diyos, ang Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita; sa kanya ang papuri at kaluwalhatian, magpakailanman. Amen.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.