1 Timoteo 4

Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, kahit na nilikha ng Diyos ang mga pagkaing ito para tanggapin nang may pasasalamat ng mga sumasampalataya at nakakaalam sa katotohanan.

1 Timothy 4:3 (UKJV) Forbidding to marry, and commanding to abstain from meats, which God has created to be received with thanksgiving of them which believe and know the truth.

1Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay may mga tatalikod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo.

2Ang mga katuruang itoʼy itinuturo ng mga taong mandaraya at sinungaling. Manhid na ang kanilang konsensiya na parang pinaso ng napakainit na bagay.

3Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, kahit na nilikha ng Diyos ang mga pagkaing ito para tanggapin nang may pasasalamat ng mga sumasampalataya at nakakaalam sa katotohanan.

4Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat,

5dahil nilinis ito ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.