1 Timoteo 4

Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay may mga tatalikod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo.

1 Timothy 4:1 (UKJV) Now the Spirit speaks expressly, that in the latter times some shall depart from the faith, giving heed to seducing spirits, and doctrines of devils;

1Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay may mga tatalikod sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo.

2Ang mga katuruang itoʼy itinuturo ng mga taong mandaraya at sinungaling. Manhid na ang kanilang konsensiya na parang pinaso ng napakainit na bagay.

3Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ilang uri ng pagkain, kahit na nilikha ng Diyos ang mga pagkaing ito para tanggapin nang may pasasalamat ng mga sumasampalataya at nakakaalam sa katotohanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.