14Kahit umaasa akong makakapunta diyan saʼyo sa lalong madaling panahon, isinulat ko pa rin ang mga tagubiling ito upang
15kahit maantala ako, alam mo na kung ano ang dapat maging ugali ng mga mananampalataya bilang pamilya ng Diyos. Tayong mga mananampalataya ang iglesya ng buháy na Diyos, ang haligi at saligan ng katotohanan.
16Hindi maikakaila na ang hiwaga ng ating pananampalataya ay napakadakila: Nagpakita siya bilang tao, pinatotohanan ng Espiritu na siyaʼy matuwid, nakita siya ng mga anghel, ipinangaral sa mga bansa, pinaniwalaan ng mundo, at dinala sa langit.