1 Timoteo 4

Magiging mabuti kang lingkod ni Kristo Hesus kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito. At sa pagtuturo mo sa kanila, lalago ka rin sa pamamagitan ng mga katotohanan ng pananampalataya natin at ng mabuting aral na sinusunod mo.

1 Timothy 4:6 (UKJV) If you put the brethren in remembrance of these things, you shall be a good minister of Jesus Christ, nourished up in the words of faith and of good doctrine, unto which you have attained.

4Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat,

5dahil nilinis ito ng salita ng Diyos at ng panalangin.

6Magiging mabuti kang lingkod ni Kristo Hesus kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito. At sa pagtuturo mo sa kanila, lalago ka rin sa pamamagitan ng mga katotohanan ng pananampalataya natin at ng mabuting aral na sinusunod mo.

7Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga walang kabuluhang alamat na sabi-sabi lang ng matatanda. Sa halip, sanayin mo sa kabanalan ang iyong sarili.

8Ang pagsasanay ng katawan ay may mabuting naidudulot, ngunit ang banal na pamumuhay ay higit na kapakipakinabang, sapagkat itoʼy may pangako hindi lang sa buhay na ito, kundi maging sa buhay na darating.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.