2 Mga Cronica 1

Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil iyan ang iyong kagustuhan na matulungan ang iyong mga mamamayan at hindi ka humingi ng kayamanan, o karangalan, o kamatayan ng iyong mga kalaban, o ng mahabang buhay, kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman para sa maayos na pamamahala ng aking mga mamamayan na kung saan ginawa kitang hari,

2 Chronicles 1:11 (UKJV) And God said to Solomon, Because this was in yours heart, and you have not asked riches, wealth, or honour, nor the life of yours enemies, neither yet have asked long life; but have asked wisdom and knowledge for yourself, that you may judge my people, over whom I have made you king:

9Kaya ngayon, Panginoong Diyos, tuparin nʼyo po ang pangako nʼyo sa aking amang si David, dahil ginawa nʼyo po akong hari ng mga taong kasindami ng buhangin.

10Bigyan nʼyo po ako ng karunungan at kaalaman upang mapamahalaan ko ang mga taong ito. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa mga mamamayan ninyo na napakarami?”

11Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil iyan ang iyong kagustuhan na matulungan ang iyong mga mamamayan at hindi ka humingi ng kayamanan, o karangalan, o kamatayan ng iyong mga kalaban, o ng mahabang buhay, kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman para sa maayos na pamamahala ng aking mga mamamayan na kung saan ginawa kitang hari,

12ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi. At hindi lang iyan, bibigyan din kita ng mga kayamanan, ari-arian at karangalan na hindi pa nakamtan ng sinumang hari noon at sa darating na panahon.”

13Pagkatapos, umalis si Solomon sa Toldang Tipanan doon sa sambahan sa matataas na lugar na nasa Gibeon, at bumalik sa Jerusalem. At naghari siya sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.