2 Mga Cronica 1

Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng Panginoon. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao upang magtanong sa Panginoon.

2 Chronicles 1:5 (UKJV) Moreover the brazen altar, that Bezaleel the son of Uri, the son of Hur, had made, he put before the tabernacle of the LORD: and Solomon and the congregation sought unto it.

3Pagkatapos, umalis si Solomon at ang lahat ng naroon, at pumunta sila sa sambahan sa mataas na lugar sa Gibeon, dahil naroon ang Toldang Tipanan ng Diyos. Ito ang toldang itinayo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa ilang noon.

4Nang panahong iyon, nailipat na ni David ang Kahon ng Diyos mula sa Kiriat-jearim papunta sa toldang inihanda niya para dito, doon sa Jerusalem.

5Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng Panginoon. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao upang magtanong sa Panginoon.

6Pagkatapos, umakyat si Solomon sa tansong altar sa presensya ng Panginoon sa Toldang Tipanan, at naghandog ng isang libong handog na sinusunog.

7Nang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Solomon at sinabi sa kanya, “Humingi ka ng kahit ano at ibibigay ko ito sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.