2 Mga Cronica 10

Mabigat nga ang pasaning ipinatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.’ ”

2 Chronicles 10:11 (UKJV) For whereas my father put a heavy yoke upon you, I will put more to your yoke: my father chastised you with whips, but I will chastise you with scorpions.

9Nagtanong siya sa kanila, “Ano ba ang maipapayo nʼyo na isasagot ko sa kahilingan ng mga taong iyon? Humihiling sila sa akin na pagaanin ko ang mabigat na mga ipinapatupad ng aking ama sa kanila.”

10Sumagot ang mga binatang kababata niya, “Ito ang isagot mo sa mga taong iyon na humihiling ng magaang pasanin: ‘Ang aking kalingkingan ay mas malaki pa sa baywang ng aking ama.

11Mabigat nga ang pasaning ipinatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.’ ”

12Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao kay Haring Rehoboam, ayon din sa sinabi ng hari sa kanila.

13Ngunit pinagsalitaan ni Rehoboam nang masasakit ang mga tao sapagkat hindi niya sinunod ang ipinayo ng mga matatandang tagapayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.