11Mabigat nga ang pasaning ipinatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.’ ”
12Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao kay Haring Rehoboam, ayon din sa sinabi ng hari sa kanila.
13Ngunit pinagsalitaan ni Rehoboam nang masasakit ang mga tao sapagkat hindi niya sinunod ang ipinayo ng mga matatandang tagapayo.
14Ang sinunod niya ay ang mga ipinayo ng mga binatang tagapayo. Sinabi niya sa kanila, “Mabigat nga ang pasaning ipinatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.”
15Kaya hindi nakinig ang hari sa mga tao, itoʼy niloob ng Panginoong Diyos upang matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahias na taga-Silo.