2 Mga Cronica 11

Ngunit sinabi ng Panginoon kay Semaias na kanyang lingkod,

2 Chronicles 11:2 (UKJV) But the word of the LORD came to Shemaiah the man of God, saying,

1Pagdating ni Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang mahuhusay na sundalo ng mga lahi nina Juda at Benjamin. Nakapagtipon siya ng 180,000 sundalo na makikipaglaban sa mga mamamayan ng Israel at upang bawiin ang kaharian niya.

2Ngunit sinabi ng Panginoon kay Semaias na kanyang lingkod,

3“Sabihin mo kay Haring Rehoboam ng Juda, na anak ni Solomon, at sa lahat ng Israelita sa Juda at Benjamin

4na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Huwag kayong makipaglaban sa inyong kadugo. Umuwi kayo, dahil kalooban ko ang lahat ng ito.’ ” Sumunod sila sa Panginoon at hindi nila nilusob si Jeroboam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.