3Lumusob si Abias kasama ang apatnaraang libong matatapang na mandirigma, at naghanda si Jeroboam ng walong daang libong mahuhusay na kawal.
4Pagdating nila Abias sa kaburulan ng Efraim, tumayo si Abias sa Bundok ng Zemaraim, at sumigaw kay Jeroboam at sa mga taga-Israel, “Makinig kayo sa akin!
5Hindi nʼyo ba alam na ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay gumawa ng walang hanggang kasunduan kay David na siya at ang kanyang mga angkan ang maghahari sa Israel magpakailanman?
6Ngunit ikaw Jeroboam na anak ni Nebat ay nagrebelde sa iyong amo na si Solomon na anak ni David.
7Sumama saʼyo ang mga walang kuwentang tao, at kinalaban nila ang mga anak ni Solomon na si Rehoboam noong bata pa ito, at wala pang karanasan at kakayahang lumaban sa inyo.