2 Mga Cronica 13

Lumusob si Abias kasama ang apatnaraang libong matatapang na mandirigma, at naghanda si Jeroboam ng walong daang libong mahuhusay na kawal.

2 Chronicles 13:3 (UKJV) And Abijah set the battle in array with an army of valiant men of war, even four hundred thousand chosen men: Jeroboam also set the battle in array against him with eight hundred thousand chosen men, being mighty men of valour.

1Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda si Abias.

2Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong taon. Ang kanyang ina ay si Maaca na anak ni Uriel na taga-Gibea. Nooʼy may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.

3Lumusob si Abias kasama ang apatnaraang libong matatapang na mandirigma, at naghanda si Jeroboam ng walong daang libong mahuhusay na kawal.

4Pagdating nila Abias sa kaburulan ng Efraim, tumayo si Abias sa Bundok ng Zemaraim, at sumigaw kay Jeroboam at sa mga taga-Israel, “Makinig kayo sa akin!

5Hindi nʼyo ba alam na ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay gumawa ng walang hanggang kasunduan kay David na siya at ang kanyang mga angkan ang maghahari sa Israel magpakailanman?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.