1Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda si Abias.
2Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong taon. Ang kanyang ina ay si Maaca na anak ni Uriel na taga-Gibea. Nooʼy may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.
3Lumusob si Abias kasama ang apatnaraang libong matatapang na mandirigma, at naghanda si Jeroboam ng walong daang libong mahuhusay na kawal.
4Pagdating nila Abias sa kaburulan ng Efraim, tumayo si Abias sa Bundok ng Zemaraim, at sumigaw kay Jeroboam at sa mga taga-Israel, “Makinig kayo sa akin!