2 Mga Cronica 15

Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta.

2 Chronicles 15:14 (UKJV) And they swore unto the LORD with a loud voice, and with shouting, and with trumpets, and with cornets.

12Gumawa sila ng kasunduan na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang buong puso nilaʼt kaluluwa.

13Ang sinumang hindi dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay papatayin, bata man o matanda, lalaki man o babae.

14Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta.

15Nagsaya ang lahat ng taga-Juda dahil nangako sila nang buong puso. Dumulog sila sa Panginoon nang taimtim sa kanilang puso, at tinulungan niya sila. At binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang mga kalaban kahit saan.

16Inalis din ni Haring Asa ang kanyang lolang si Maaca sa pagkareyna nito dahil gumawa ito ng karumal-dumal na mga posteng imahen ni Ashera. Ipinaputol ni Asa ang poste, ipinasibak ito, at ipinasunog sa Lambak ng Kidron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.