2 Mga Cronica 15

Ang sinumang hindi dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay papatayin, bata man o matanda, lalaki man o babae.

2 Chronicles 15:13 (UKJV) That whosoever would not seek the LORD God of Israel should be put to death, whether small or great, whether man or woman.

11At sa oras na iyon, naghandog sila sa Panginoon ng mga hayop na kanilang nasamsam sa labanan, pitong daang baka at pitong libong tupa at kambing.

12Gumawa sila ng kasunduan na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang buong puso nilaʼt kaluluwa.

13Ang sinumang hindi dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay papatayin, bata man o matanda, lalaki man o babae.

14Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta.

15Nagsaya ang lahat ng taga-Juda dahil nangako sila nang buong puso. Dumulog sila sa Panginoon nang taimtim sa kanilang puso, at tinulungan niya sila. At binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang mga kalaban kahit saan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.