17Kahit hindi niya inalis ang mga sambahan sa matataas na lugar sa Israel, naging matapat pa rin si Asa sa Panginoon sa buong buhay niya.
18Dinala niya sa Templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at iba pang mga bagay na inihandog niya at ng kanyang ama.
19Hindi nagkaroon ng digmaan hanggang sa ikatatlumpuʼt limang taon ng paghahari ni Asa.