2 Mga Cronica 16

Noong ikatatlumpuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa, nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda. At pinabakuran niya ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.

2 Chronicles 16:1 (UKJV) In the six and thirtieth year of the reign of Asa Baasha king of Israel came up against Judah, and built Ramah, to the intent that he might let none go out or come in to Asa king of Judah.

1Noong ikatatlumpuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa, nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda. At pinabakuran niya ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.

2Ipinakuha ni Asa ang mga pilak at ginto sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. At ibinigay niya ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan siya nakatira.

3Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduang pangkapayapaan sa isaʼt isa, gaya ng ginawa ng ating mga ama. Tanggapin mo ang ipinadala ko sa iyong pilak at ginto, at hinihiling kong sirain mo na ang iyong kasunduan kay Haring Baasa ng Israel upang pabayaan na niya ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.