2 Mga Cronica 16

Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduang pangkapayapaan sa isaʼt isa, gaya ng ginawa ng ating mga ama. Tanggapin mo ang ipinadala ko sa iyong pilak at ginto, at hinihiling kong sirain mo na ang iyong kasunduan kay Haring Baasa ng Israel upang pabayaan na niya ako.”

2 Chronicles 16:3 (UKJV) There is a league between me and you, as there was between my father and your father: behold, I have sent you silver and gold; go, break your league with Baasha king of Israel, that he may depart from me.

1Noong ikatatlumpuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa, nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda. At pinabakuran niya ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.

2Ipinakuha ni Asa ang mga pilak at ginto sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. At ibinigay niya ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan siya nakatira.

3Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduang pangkapayapaan sa isaʼt isa, gaya ng ginawa ng ating mga ama. Tanggapin mo ang ipinadala ko sa iyong pilak at ginto, at hinihiling kong sirain mo na ang iyong kasunduan kay Haring Baasa ng Israel upang pabayaan na niya ako.”

4Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang mga sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-maim, at ang lahat ng lungsod ng Neftali na ginagamit na bodega.

5Nang marinig ito ni Baasa, ipinahinto niya ang pagpapatayo ng pader sa Rama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.