2 Mga Cronica 16

Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang mga sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-maim, at ang lahat ng lungsod ng Neftali na ginagamit na bodega.

2 Chronicles 16:4 (UKJV) And Benhadad hearkened unto king Asa, and sent the captains of his armies against the cities of Israel; and they stroke Ijon, and Dan, and Abelmaim, and all the store cities of Naphtali.

2Ipinakuha ni Asa ang mga pilak at ginto sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. At ibinigay niya ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan siya nakatira.

3Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduang pangkapayapaan sa isaʼt isa, gaya ng ginawa ng ating mga ama. Tanggapin mo ang ipinadala ko sa iyong pilak at ginto, at hinihiling kong sirain mo na ang iyong kasunduan kay Haring Baasa ng Israel upang pabayaan na niya ako.”

4Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang mga sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-maim, at ang lahat ng lungsod ng Neftali na ginagamit na bodega.

5Nang marinig ito ni Baasa, ipinahinto niya ang pagpapatayo ng pader sa Rama.

6Pagkatapos, nag-utos si Haring Asa sa lahat ng lalaki ng Juda na kunin nila ang mga bato at mga troso na ginagamit ni Baasa sa paggawa ng pader ng Rama. At ginamit ito ni Haring Asa sa paggawa ng pader ng Geba at ng Mizpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.