2 Mga Cronica 16

Nang panahong iyon, pumunta ang propetang si Hanani kay Haring Asa ng Juda at sinabi sa kanya, “Dahil nagtiwala ka sa hari ng Aram at hindi sa Panginoon na iyong Diyos, hindi nʼyo malilipol ang mga sundalo ng hari ng Aram.

2 Chronicles 16:7 (UKJV) And at that time Hanani the seer came to Asa king of Judah, and said unto him, Because you have relied on the king of Syria, and not relied on the LORD your God, therefore is the host of the king of Syria escaped out of yours hand.

5Nang marinig ito ni Baasa, ipinahinto niya ang pagpapatayo ng pader sa Rama.

6Pagkatapos, nag-utos si Haring Asa sa lahat ng lalaki ng Juda na kunin nila ang mga bato at mga troso na ginagamit ni Baasa sa paggawa ng pader ng Rama. At ginamit ito ni Haring Asa sa paggawa ng pader ng Geba at ng Mizpa.

7Nang panahong iyon, pumunta ang propetang si Hanani kay Haring Asa ng Juda at sinabi sa kanya, “Dahil nagtiwala ka sa hari ng Aram at hindi sa Panginoon na iyong Diyos, hindi nʼyo malilipol ang mga sundalo ng hari ng Aram.

8Naalala mo ba kung ano ang nangyari sa mga taga-Etiopia at taga-Libya, na ang mga sundalo, mga karwahe at mga mangangabayo ay napakarami? Nang panahong iyon, nagtiwala ka sa Panginoon, at kayoʼy pinagtagumpay niya sa kanila.

9Sapagkat nakatingin ang Panginoon sa buong mundo upang palakasin ang mga taong matapat sa kanya. Kamangmangan ang iyong ginawa! Kaya mula ngayon makikipaglaban ka na.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.