19At sinabi ng Panginoon, ‘Sino ang hihikayat kay Haring Ahab ng Israel upang lusubin ang Ramot-gilead upang mamatay siya roon?’ ” Iba-iba ang sagot ng mga makalangit na nilalang.
20At may espiritu na lumapit sa Panginoon at nagsabi, “Ako ang hihikayat sa kanya.” Nagtanong ang Panginoon, “Sa paanong paraan?”
21Sumagot siya, “Pupunta ako at pagsasalitain ko ng kasinungalingan ang mga propeta ni Ahab. Sinabi ng Panginoon, ‘Lumakad ka at gawin mo ito. Magtatagumpay ka sa paghihikayat sa kanya.’ ”
22“Pinadalhan ng Panginoon ang iyong mga propeta ng espiritu na nagpasalita sa kanila ng kasinungalingan. Ipinahintulot ng Panginoon na matalo ka.”
23Lumapit agad si Zedequias kay Micaias at sinampal ito. Sinabi agad ni Zedequias, “Paano mong nasabi na ang Espiritu ng Panginoon ay umalis sa akin at nakipag-usap sa iyo?”