15“Kaya ngayon, ipadala ninyo sa amin ang trigo, sebada, alak at langis ng olibo na inyong ipinangako,
16at ipapaputol na rin namin ang maraming kahoy na kailangan ninyo mula sa Lebanon. Pagkatapos, idudugtong namin na parang balsa at palulutangin sa dagat papunta sa Joppa. At kayo na ang magdadala nito sa Jerusalem.”
17Sinensus ni Solomon ang lahat ng dayuhang nakatira sa Israel katulad ng ginawa ni David na kanyang ama, at ang bilang ay 153,600.
18Ginawa niya ang pitumpung libo sa kanila na tagahakot, walumpung libo na tagatabas ng bato sa mababang bahagi ng bundok, at ang 3,600 bilang kapatas na mamamahala sa mga manggagawa.