2 Mga Cronica 20

Iyon ang paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Siyaʼy tatlumpuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Azuba na anak ni Silhi.

2 Chronicles 20:31 (UKJV) And Jehoshaphat reigned over Judah: he was thirty and five years old when he began to reign, and he reigned twenty and five years in Jerusalem. And his mother's name was Azubah the daughter of Shilhi.

29Nang marinig ng lahat ng kaharian kung paano nakipaglaban ang Panginoon sa mga kalaban ng Israel, natakot sila.

30Kaya may kapayapaan ang kaharian ni Jehoshafat dahil binigyan siya ng kanyang Diyos ng kapayapaan sa kanyang paligid.

31Iyon ang paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Siyaʼy tatlumpuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Azuba na anak ni Silhi.

32Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang kanyang ginawa sa paningin ng Panginoon.

33Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, at ang mga tao ay hindi pa rin naging tapat sa pagsunod sa Diyos ng kanilang ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.