30Kaya may kapayapaan ang kaharian ni Jehoshafat dahil binigyan siya ng kanyang Diyos ng kapayapaan sa kanyang paligid.
31Iyon ang paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Siyaʼy tatlumpuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Azuba na anak ni Silhi.
32Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang kanyang ginawa sa paningin ng Panginoon.
33Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, at ang mga tao ay hindi pa rin naging tapat sa pagsunod sa Diyos ng kanilang ninuno.
34Ang iba pang salaysay sa paghahari ni Jehoshafat, mula simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Mga Aklat ni Jehu na anak ni Hanani, na kasama sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.