2 Mga Cronica 20

Ngunit sa mga huling bahagi ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, nakipag-alyansa siya kay Haring Ahazias ng Israel, na isang masamang tao.

2 Chronicles 20:35 (UKJV) And after this did Jehoshaphat king of Judah join himself with Ahaziah king of Israel, who did very wickedly:

33Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, at ang mga tao ay hindi pa rin naging tapat sa pagsunod sa Diyos ng kanilang ninuno.

34Ang iba pang salaysay sa paghahari ni Jehoshafat, mula simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Mga Aklat ni Jehu na anak ni Hanani, na kasama sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

35Ngunit sa mga huling bahagi ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, nakipag-alyansa siya kay Haring Ahazias ng Israel, na isang masamang tao.

36Nagkasundo sila na magpagawa ng mga barko na pang-negosyo. Ipinagawa nila ito sa piyer ng Ezion-geber.

37Kaya si Eliezer na anak ni Dodavahu na taga-Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat, “Dahil kumampi ka kay Ahazias, gigibain Panginoon ang ipinagawa ninyo.” Kaya nagiba ang barko at hindi ito nakapaglakbay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.