2 Mga Cronica 22

Si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram ang iniluklok ng mga mamamayan ng Jerusalem na kanilang hari. Sapagkat ang ibang mga anak ni Jehoram ay pinagpapatay ng mga tulisang Arabo na lumusob sa Juda. Kaya naghari sa Juda si Ahazias na anak ni Haring Jehoram.

2 Chronicles 22:1 (UKJV) And the inhabitants of Jerusalem made Ahaziah his youngest son king in his position: for the band of men that came with the Arabians to the camp had slain all the eldest. So Ahaziah the son of Jehoram king of Judah reigned.

1Si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram ang iniluklok ng mga mamamayan ng Jerusalem na kanilang hari. Sapagkat ang ibang mga anak ni Jehoram ay pinagpapatay ng mga tulisang Arabo na lumusob sa Juda. Kaya naghari sa Juda si Ahazias na anak ni Haring Jehoram.

2Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Omri.

3Sumunod din si Ahazias sa pamumuhay ng sambahayan ni Ahab, dahil hinikayat siya ng kanyang ina sa paggawa ng kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.