2 Mga Cronica 22

Sumunod din si Ahazias sa pamumuhay ng sambahayan ni Ahab, dahil hinikayat siya ng kanyang ina sa paggawa ng kasamaan.

2 Chronicles 22:3 (UKJV) He also walked in the ways of the house of Ahab: for his mother was his counsellor to do wickedly.

1Si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram ang iniluklok ng mga mamamayan ng Jerusalem na kanilang hari. Sapagkat ang ibang mga anak ni Jehoram ay pinagpapatay ng mga tulisang Arabo na lumusob sa Juda. Kaya naghari sa Juda si Ahazias na anak ni Haring Jehoram.

2Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Omri.

3Sumunod din si Ahazias sa pamumuhay ng sambahayan ni Ahab, dahil hinikayat siya ng kanyang ina sa paggawa ng kasamaan.

4Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil pagkatapos mamatay ng kanyang ama, naging tagapayo niya ang mga miyembro ng sambahayan ni Ahab.

5Sinunod niya ang payo nila na kumampi kay Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel. Sumama siya kay Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead, at nasugatan si Joram.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.