2Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Omri.
3Sumunod din si Ahazias sa pamumuhay ng sambahayan ni Ahab, dahil hinikayat siya ng kanyang ina sa paggawa ng kasamaan.
4Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil pagkatapos mamatay ng kanyang ama, naging tagapayo niya ang mga miyembro ng sambahayan ni Ahab.
5Sinunod niya ang payo nila na kumampi kay Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel. Sumama siya kay Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead, at nasugatan si Joram.
6Kaya umuwi siya sa Jezreel upang magpagaling ng sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban kay Haring Hazael Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel. Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.