2 Mga Cronica 22

Kaya umuwi siya sa Jezreel upang magpagaling ng sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban kay Haring Hazael Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel. Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.

2 Chronicles 22:6 (UKJV) And he returned to be healed in Jezreel because of the wounds which were given him at Ramah, when he fought with Hazael king of Syria. And Azariah the son of Jehoram king of Judah went down to see Jehoram the son of Ahab at Jezreel, because he was sick.

4Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil pagkatapos mamatay ng kanyang ama, naging tagapayo niya ang mga miyembro ng sambahayan ni Ahab.

5Sinunod niya ang payo nila na kumampi kay Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel. Sumama siya kay Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead, at nasugatan si Joram.

6Kaya umuwi siya sa Jezreel upang magpagaling ng sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban kay Haring Hazael Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel. Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.

7Ang pagdalaw ni Ahazias kay Joram ay ginamit ng Diyos upang lipulin si Ahazias. Nang naroon si Ahazias, tinulungan niya si Joram upang makipaglaban kay Jehu na anak ni Nimsi. Si Jehu ang pinili ng Panginoon upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.

8Habang nililipol ni Jehu ang sambahayan ni Ahab, nakita niya ang mga opisyal ng Juda at ang mga anak ng mga kamag-anak ni Ahazias na sumáma kay Ahazias. At pinagpapatay niya sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.